Previous Next

 AT A GLANCE
 As of December 2018
Total Clients Served: 101,781
Amount of Loan Disbursed 591.9M
Total Loan Portfolio 193.2M
Total Savings Balance 104.8M
Total Branches 24
Total Employee 228

 TOP 10 BRANCHES
 As of 2nd Quarter 2019
1. Quezon City Branch
2. Malate-Tondo Branch
3. Kalookan Branch
4. Camarin Branch
5. San Marcelino Branch
6. Iba-Botolan Branch
7. Candelaria Branch
8. Sta. Cruz Branch
9. Palauig Branch
10. San Felipe Branch

August 2020

Sa kabila ng pangamba

Sa unti-unting paggaan ng mga paghihigpit mula sa community quarantine na ipinatupad ng ating pamahalaan, marami pa rin sa atin ang nakakaramdam ng pagkabahala na bumalik sa lugar ng ating trabaho. Dahil na rin sa patuloy na lumalaking bilang ng mga tinatamaan ng sakit na COVID-19, o ang posibleng pagkakaroon ng “second wave” nito.

Sa kabila ng panganib ay may isang katotohanan na kailangan nating haraping lahat. Ito ay ang pagharap sa “New Normal” na kalakaran na inihahayag ang mga bagong hakbang at panuntunan kung papaano natin haharapin ang paggampan sa ating trabaho at mga kabuhayan.

Malaking pagsasaayos ang kinailangang gawin para makasunod sa mga protocols ng gobyerno at mandatong direktiba ng mga Health Officials para sa mga tiyak na sektor na nabigyan na awtorisasyon na maaari nang bumalik muli sa operasyon at aktibidad ang negosyo at ilang mga kumpanya. Isa na nga rito ang KAZAMA GRAMEEN MICROFINANCE INC., na naipatupad at naisagawa ng maayos ang mga alintuntunin sa pagharap sa New Normal na pagbabalik trabaho o operasyon ng kumpanya.

Ayon sa KGMI Community and Development Directress na si Gng. Josephine Elizalde, ay ramdam na ramdam niya ang hirap na kinakaharap ng mga kawani gayundin ang mga pagsasaayos para sa New Normal na pagbabalik trabaho. “Sa kasalukuyan ay mahigpit naming ipinatutupad sa lahat ng mga sangay dito sa NCR ang mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing. Hangga’t maaari limitado lamang ang mga tao sa loob ng opisina at makauwi ng maaga pagkatapos ng mga transaksyon.” Saad ni Madam Josie.

“Sa mga barangay na hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling naka-lockdown pa rin dahil sa patuloy na lumalaking bilang ng COVID-19 cases ay nagkikita na lamang sa piling lugar ang Center Chief at ang Center Manager o mga naatasan na mangulekta ng lingguhang pagbabayad, sa mga barangay naman na hindi naka-lockdown nililimitahan din ang mga nagpupunta sa Center Hall para mag-abot ng kanilang hulog.” Dagdag pa nito.

Ayon pa kay Madam Josie ay naging malaking aral sa kaniya ang mga karanasan sa kasagsagan ng epidemya, ilan sa mga ito ay ang magkaroon ng disiplina sa sarili at paglalaan ng pinansiya para sa mga pangunahing pangangailangan.

Mula naman kay Jenelyn Arcelao, tagapamahala ng sangay ng Subic, ay naging malaking hamon sa kanilang sangay ang mga pagbabago ngayong panahon na may epidemyang kumakalat. Mahirap at talagang nakakapagod at limitado lamang ang mga kawani na nagbalik trabaho, bukod pa sa madalas na hindi nami-meet ang 100% na singil sa koleksiyon sila ay handa na magpatuloy at lumaban para sa ekonomiya at kabuhayan ng bawat isa.

“Isa sa mga natutunan ko ngayong panahon ng epidemya ay mahalaga pala na dapat alam mo at inaaral mo ang ibang mga gawain o trabaho sa sangay upang sa gayon ay hindi ka mangangapa at matutugunan ang lahat ng nakaatang na gawain ngayong hindi kami kumpleto.” Pagdidiin ni Gng. Arcelao.

Bagamat apektado ng krisis ang buong institusyon ay may mangilan-ngilan pa rin naman na sangay na kahit papaano ay umaabot ng 80 hanggang 100 porsiyento ang koleksiyon kagaya na lamang sa sangay ng Infanta na sakop ng lalawigan ng Pangasinan. Ang Infanta ay isa sa may pinakamaliit na bilang ng may COVID-19 kung kaya’t hindi ganun kalaki ang danyos ng epidemya sa bayang ito.

Bago pa man daw magbalik trabaho ay kinausap na ni G. Lolie Cabuang, tagapamahala ng Sangay ng Infanta ang kanyang mga kawani na kailangan nilang mag-isip ng mga estratehiya kung paano sila muling magsisimula mula sa ilang buwang pagpapahinga o pagtigil sa operasyon bunsod ng epidemya.

“Kooperasyon ng lahat at sakripisyo ang naging sandata namin bilang pagharap sa new normal. Masuwerte nga lang kami talaga kasi itong Infanta ay isa sa may pinakamababang may kaso ng COVID-19. Sa 23 na sentro namin dito ay apat lamang ang hindi nag 100% at ito yung mga barangay na may mga kaso pa nito.” Buong pagmamalaki ni G. Cabuang.

Dahil na rin sa hindi kumpleto ang bilang ng mga kawani sa sangay naging solusyon ang paghahatian sa trabaho na isang malaking sakripisyo sa bawat isa. Bukod pa rito ang mga pagkakataon na hindi maka-uwi ang mga kawani sa kanilang mga tahanan at mahal sa buhay bunsod na rin ng paghihigpit ng ilang lugar sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.

Nakakapagod sapagkat limitado ang kawani sa bawat sangay na gumagampan sa gawain sa mga sentro at opisina na kailangang matapos sa araw-araw, hindi madali ngunit kapag nariyan ang kooperasyon at dedikasyon ng bawat isa ito ay ating kakayanin.


Our Partners


 

Sign up to our newsletter for the latest news

© Copyright 2018 Kazama Grameen Microfinance Incorporated - All rights reserved.